Sunday, October 4, 2009

Ang Tagal Ko Nang Hindi Nag-Popost Dito

Nasira kasi ang LAN ng laptop ko. Walanghiyang kidlat yun! Pero ngayon, after two months, naisipan ko ding gawan ng paraan 'to! Salamat sa idea ni Sir Dexter na bumili ng lang ako ng USB LAN. Meron pala ng ganito?!? Salamat sa CD-R King at nakatipid akong P120. P400 kasi dito sa Tabaco ang isang USB LAN, P280 lang sa kanila. (Tama ba ang math ko? Basta, nakatipid ako =) )

Kaya eto, back to inodoro thoughts na naman.

Tsaka siguro, isa din sa dahilan ay dahil sa...wala ng ginawa ang utak ko habang naka-upo ako sa trono kundi kantahin ang Paparazzi ni Lady Gaga o Nobody ng Wonder Girls. Hay nakung ma-impluwensyang media, na invade nyo na pati utak ko. tsk, tsk.

Pero, dahil meron na ulit akong matinong Internet connection, sisikapin kong makapag-isip ng mga bagay na kapaki-pakinabang habang... alam nyo na. =)

so long!

May Nagcomment Din sa Wordpress Blog Ko!

Tama! This calls for a celebration! If you're wondering, heto ang isa ko pang blogsite Future Travel Destinations. a Wordpress to at hindi ko alam kung bakit dun ko 'to nilagay. Anyway, okay naman, at least, mas maganda ang crawling ng Google sa Wordpress. :D

Matagal ko nang sinulat yung post about sa Parola Beach. Akala ko nga, wala man lang nakapansin. Heheheheh! Ang purpose kasi nun ay para sa mga turistang gustong bumisita sa Parola. Sad to say, wala naman silang mahihita sa official website ng Magallanes. Poorly updated at designed yung site na yun na baka nga hindi na nila maisipan ulit na i-search man lang sa Google ang Magallanes.

Wala. Natutuwa lang talaga ako na may nagcomment. Hehehehehe! Try mong basahin baka ma-enganyo kang pumunta sa Magallanes. I don't want it to be boracay-like na haven ng mga turista kasi, for sure, masisira ang natural na ganda nya. For me, the real beauty of the place comes from it's being unknown. Iba ang feeling na makakadiscover kang places na hindi napupuntahan ng karamihan. Dibadibz?

Hay. Sana lang, magkaroon ako ulit ng oras na gumawa ng ganun. At mangyayari lang yun, mga two years from now dahil... may-aaral na si Krishna. Wish ko lang hindi ako mabuntis ulit agad. Heheheheh! *cross-fingers!* Kung hindi, baka abutin na ng isang dekada bago ko madagdagan ang post dun. Wag naman sana. Trust, help! =)

Sunday, June 21, 2009

Bakit Rapists ang Pinakanakakainis na Kriminal?

Normal na sigurong makaramdam ng sobrang pagkainis at pandidiri sa mga rapists kapag nakikita ko silang binabalita sa telebisyon. Nanggagalaiti talaga ako sa mga itsura ng mga rapists!!! Mga manyak!!!

Iniisip ko nga, matagal na, kung bakit naiinis akong todo-todo sa mga walanghiyang manyakis na mga rapists. Eh, hindi naman ako naiinis masyado sa mga killers, magnanakaw, drug pushers, etc.

Hindi rin ako nag-iisa dahil pati mga kriminal, naiinis din sa mga rapists. Sabi ni Dabz, may nakapagkwento daw sa kanya na nirirape din daw ng mga preso ang inmates nila kapag nalaman na rape ang kaso nila. Gosh! Terible! Pero tama naman yun sa kanila, noh! Dapat din silang rape-in. Bato sa bato, ngipin sa ngipin. Barbaric man, at least, talagang mararamdaman nila kung pano ma-rape! Hmp! Mga walanghiyang manyakis na rapists talaga!!! Grrrrrrr!!!

Siguro, hindi lang naman ako at mga presa ang naiinis sa mga rapists. Kahit mga simpleng manyak nga, nakakainis na.

Isa siguro sa mga dahilan ng pagkainis ko ang pagiging babae ko. Syempre, madalas na biktima ng rape ang mga kababaehan.

Pero bukod dyan, nakakainis ang mga rapists dahil wala silang magandang rason para mang-rape. KAMANYAKAN lang talaga ang dahilan ng pangrirape nila!!!

Ang magnanakaw, pwedeng nagnanakaw para sa pamilya o para may makain man lang. Ang mamamatay tao, pwedeng nakapatay dahil sa bugso ng galit. Pero ang manyakis, gumagawa sya ng kamanyakan para lang masagot ang kamunduhan nya!!!

Kaya, hindi ko lubos maisip kung may pagbabago pa kayang mararating ang mga rapists.

At wag na wag nilang iisipin na gusto rin ng narape ang ginawa nilang kamanyakan. Dahil ang rape ay hindi lang physically torturing. Mentally devastating din ang marape especially kung virgin to the highest level pa ang babae.

Abah! Kahit nga mga malalanding babae ay mawawalan pa rin ng puri kung sakaling marirape.

Ang dapat talaga sa mga walanghiyang manyakis na rapists na mga yun ay putulan!!! Hmp!

Sunday, June 14, 2009

Pinipilit na Maging Masaya

Naninibago talaga ako sa aura ni Papay (Lolo) ko nitong pagpunta namin sa spring resort. Masyado siyang alive. Masyado syang excited sa mga bagay-bagay. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging ganun. Naninibago lang talaga ako.

Kakamatay lang kasi ni Mamay noong June 3. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nun. At since then, palagi ko nang nakikitang matamlay, malungkot, at nag-iisip si Papay. Ngayong araw ko lang talaga siya nakita na ganun kasaya. Bakit kaya? Though ayokong paniwalaan ang back thoughts ko, sinasabi ng instinct ko na pinipilit nya lang maging masaya.

Hindi ko kasi nararamdaman na genuinely happy siya. Siguro, he's trying to make everything normal. He's trying to bring back everything to normal. Pero, kahit ano naman ang gawin nya ay ganito na talaga ang sitwasyon forever. Hindi na babalik si May at sad to say, palagi na lang siyang solo sa bahay nila.

Sa ngayon, hindi naman namin siya hahayaang mag-isa dahil nga kakamatay lang ni May. Pero darating din yung point na talagang siya na lang.

Nakakalungkot nga kapag nilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon ni Papay. Biglang isang araw, nawala na yung taong palagi mong kasama for more than 50 years. Nakakapraning siguro yun. Pero...that's reality. A very sad reality.

Sana nga dumating yung point na makita ko naman si Papay na genuinely happy. Yung mararamdaman pati ng buto ko na talagang masaya siya. Hindi yung parang pinipilit nya lang na tumawa. Iba naman kasi yun.

Mangyayari lang siguro yun kapag nakapag move on na siya sa mga nangyari. Hindi madali yun at malamang na matagal bago mangyari yun. Pero sana, bago siya sumunod kay May ay makita nya ang kaligayahan dito kahit na wala na si May.


Wednesday, May 13, 2009

Recipe No. 2: Sayote con Tofu


Sayote con Tofu

Ingredients:

Crushed tokwa
Sayote (sliced diagonally, about 0.5cm thick)
bawang
sibuyas
kamatis
paminta
asin
konting mantikang panggisa
konting tubig

NOTE: Amount of each ingredient will depend on your own taste. =) As for this recipe, I used 1 big sayote and 1 block of tokwa. Pinong hiwa lang sa onions and garlic. Gusto ko kasi yung lasa ng dalawang spices na ito pero ayokong nangunguya ko pa sila. Yung kamatis, hinati ko lang sa apat.

Wag kalimutang hugasan muna ang tokwa, sayote, at kamatis bago hiwain o durugin.

Pag ready na ang lahat ng ingrediens, sundin lang ang prosesong ito:

1. Painitin ang kawali.

2. Lagyan ng mantika. Tama lang para magisa ang bawang at sibuyas.

3. Ilagay na ang bawang habang medyo mainit pa lang ang mantika. Mas nakukuha kasi ang juice ng bawang pagka ganun. Wag lang sunugin ang bawang o sibuyas dahil magiging mapait ang ginisa.

4. Ilagay ang kamatis. Medyo magtutubig ngayon ang niluluto nyo dahil sa kamatis. Hayaan nyo lang na madurog ang kamatis dahil yun talaga ang dapat na gawin. Kukunin kasi natin ang tomato sauce dito para mabalanse ang medyo malansang lasa ng tokwa.

5. Ihalo ang durog na tokwa kapag malambot na ang kamatis.

6. Lagyan ng konting tubig, mga kalahating tasa, para sa sayote. Kailangan pa kasing palambutin ang sayote. Hindi naman kakayanin ng mantika lang na gawin yun kaya lalagyan natin ng tubig.

7. Hintaying kumulo ang tubig bago ilagay ang sayote.

8. Haluan ng paminta at asin nang naaayon sa iyong panlasa.

NOTE: Iwasang ma-overcook ang sayote sa pamamagitan ng pagpapahina ng apoy.

Serve while hot. =)

Wednesday, April 22, 2009

Hindi Ako Iiyak by Flippers


Kape’ng aking tinitimpla,
Lagi nalang lumalamig
Hindi ko malaman,
Kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo,
Sa ‘kin nakatitig
Ako’t siya’y naghihintay,
Masagi nang iyong bibig.

II

Buhok na mahaba,
Iniingat-ingatan ko
Nuong isang linggo,
Pinaputulan ko ito
Marahil ay pagod lamang,
Ang iyong isipan
At di mo napansin,
At hindi tinutulan.

( Chorus )

Huwag kang mag-alala,
Di ako iiyak
Hindi magdaramdam,
Kahit na ga patak
Ako’y pinulot mo,
Singdumi ng burak
Binigyang pangalan,
Itong aking anak.

III

Pintong dati-rati bukas,
Sa iyong pag dating
Ngayo’y nakasara,
At panangga sa hangin
Kapag ikaw ay dumalaw,
Ito ay katukin,
Kahit mahina lang,
Ito’y aking sasagutin.

IV

Kay linis ng silid,
Walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo’y,
Walang nag-hahanap
Sanggol na nasanay,
Akala ay ama
Gayong natutulog ito,
Kahit nag-iisa.

( Second Chorus )

Huwag kang mag-alala,
Di ako iiyak
Hindi magdaramdam,
Kahit na gapatak
Pag-ibig natin lang,
Sa iyo’y inalay
Sa tulad kong putik,
Tama na at sapat





Nakakaiyak 'tong kantang 'to. Natatouch siguro ako dahil ideal man ko yung katulad nya. Heheheheh! =)

Saturday, April 18, 2009

No Religion is not Atheism

I have a seminarian friend, si Gear. Eto siya!


We had a little discussion about religion. Hindi naman serious. Here was the conversation:

AKO: Nuarin ka na magiging padi? Sayang. Bata sabi ko sa imo, ika ang makasal samu kang aagumon ko. Para, garu dai mi gusto ang church wedding. eheheheh!

May balak na kaming magpakasal sa 2011, pero, civil wedding lang sa may beach. heeheh! habo ko din pano su grabeng ceremony sa simbahan. iba din ang spiritual beliefs ni erik. eh, ako man, medyo nag-sigway na sa pagiging katoliko. ;)

dai mo man ngani papabunyagan si Baby ta sala magpabunyag na wara pang kamuwang-muwang ang tawo. Religion should be a choice.

kung hahaputon mo ako kung ano na ang relihiyon ko, well, ano...wara. hahahahah! pighahanap ko pa. hahahahhaha! may kanya-kanyang calling kaya ang tawo. pighahalat ko lang su saku. ;)


GEAR: choice man nindo an eh. pero sana makanap man giraray kamu ki religion. o kaya dai lamang maklingaw na magpasalamat sa nagtao kang buhay nindo. naintindihan ang kalagayan nindo. siguro marurumduman lang nindo an sa taas kung my mga problema na dai na nindo kayang mairesolve. sana dai iyan mag abot bagu nindo marealize na importante man plan an Diyos saindo o kaya bako gabos na gibohon kaya kan sauyang paghingowa.

Ingat kamu and Gudluck sa gabos na gigibuhon nindo.


AKO: Ngek. Dai man ako aethiest, noh! nagtutubod akong may Diyos. :D

Garu praktisado ka ng magsermon. heheheheh!


Yan. Bakit kaya inaakala ng mga tao na aethiest ka kapag wala kang pinaniniwalaang religion?

I was a Roman Catholic but it was never my choice. Pabinyagan ba naman ako ng mga magulang ko nang hindi man lang tinatanong kung ano ang pinaniniwalaan ko. Hindi ko naman siguro sila masisisi kasi yun ang tradition at tsaka hardcore Roman Catholic pala ang Papa ko.

Sa totoo lang, mula bata ako, marami akong naging tanong tungkol sa Roman Catholic. Una ay yung bakit naman naging kasalanan ko yung kasalanan ni Eba at Adan? Baki naman dinamay pa ako ni Lord sa kasalanan nila?

Sunod na tanong, bakit grabe pang ek-ek sa simbahan eh pwede namang kausapin si Lord anytime, anywhere?

Actually, madaming tanong. Nakalimutan ko na yung iba. =)

Tsaka, hindi naman kasi ako lumaki na nagsisimba every Sunday o nagrorosaryo regularly. Though, nagrorosary kami nung bata pa kami.

Dahil siguro dito kaya lumaki akong may free thinking. Open mind naman ako sa lahat ng paniniwala kahit gaano pa ka-weird ito. Kanya-kanyang beliefs naman yan eh.

Kaya sana, wala nang mag isip na aethiest ako. Iba naman kasi ang hindi naniniwala sa Diyos sa walang relihiyon.