Friday, February 27, 2009

Tanong Para Kay Lord

Nalilito na talaga ako sa kung ano ba talaga ang dapat kong paniwalaan. Ibig kung sabihin, eh, kung ano ba talaga ang totoo kasi yun ang gusto at dapat kong paniwalaan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang paniniwalaan ko.

Sa dinami-dami pa naman ng mga propeta at iba't-ibang pangalan ng diyos, nakakalito na. Minsan, napapatanong na lang ako, bakit kaya hindi na lang magpakita ang tunay na Diyos at magexplain sa humanity? Baka wala naman talagang Diyos. Eh, bakit tayo nandito?

Sa totoo lang, wala akong affiliation sa kahit anong religion, kahit sa Roman Catholic kung saan binaptize ako noong wala pa naman akong kamuwang-muwang. Sabi ko, hanggang hindi napapaliwanag ng Science kung pano nagexist ang tao ay ikukunsider kong milagro ito. In short, walang ibang explaination kundi, may isang Divine Creator na naglalang sa atin at pooof! andito na tayo.

Kaya, naniniwala akong may Diyos. Pero, ano ba talaga siya? May mukha ba siya? May kapangyarihan ba talaga siya? Ano ba ang mga gusto nyang gawin ko bilang isang tao? Ano ba ang rules na dapat kong sundin para masabi kong sumusunod ako sa Kanya?

Sabi ng isang kaibigan, kahit daw mga aethiest, Diyos ang may lalang sa kanila. Pero, the big question is BAKIT?!? Kung pwede ko lang makausap si Lord ng masinsinan, katulad ni Santino, eh, marami na akong natanong sa Kanya.

Kaya madalas akong nalilito kung ano ba talaga ang dapat kung sundin. Dapat ba akong magsimba, mag-pray, o mag-chant?

Sorry. Wala pa kasi akong FAITH kaya tanong ako ng tanong. Kung may FAITH na ako, susunod na lang ako nang walang tanung-tanong. Kaso, wala eh. At hindi ko alam kung saan ba ako dapat magkaroon ng FAITH.

Kung sabagay, masaya naman at contented ako sa buhay ko kahit wala kang religious affiliation. Napapangisi na lang ako kapag may nagtatanong sakin kung anong religion ko. Madalas, sinasabi ko na lang na Roman Catholic. Pero ang totoo, hindi na. Parang hindi nga ata ako naging Katoliko. In short, floating ang stado ng religion ko.

Ang importante naman sa 'kin ngayon habang wala pa talaga akong pinaniniwalaang established religion ay ang hindi maging problema sa kapwa at sa bayan. At syempre, gusto ko ring maka contribute kahit sa mga maliliit na bagay.

Siguro nga, tama ka, free thinker siguro ako. Basta, ginagalang ko ang paniniwala ng iba. Besides, wala naman akong iiimpose na pinaniniwalaan kung relihiyon lang naman ang paguusapan. Sa ngayon, pinakikinggan ko na lang muna ang paniniwala ng iba. At ako naman, naghihintay lang ng "spiritual calling."

Hindi ko alam kung darating pa yun, pero, hindi naman ako nagmamadali. Wala pa naman sa akin yung tinatawag na "spiritual hunger."

Gaya ng sinasabi ko sa mga kaibigan kong may may established religion na: Tatawagin na lang ako ng Diyos na dapat kong pagsilbihan. Hind ko alam kung sino yun. Pwedeng si Yahwe, Brahma, Krishna, Allah, Buddha, etc.

Pag tinawag na Nya ako, alam ko na wala na akong magiging pag-aalinlangan kahit hindi na siya magpakita sakin at mag-explain ng lahat.

Sunday, February 22, 2009

Redemption Song ni Bob Marley

Redemption Song







Old pirates, yes, they rob I;
Sold I to the merchant ships,
Minutes after they took I
From the bottomless pit.
But my hand was made strong
By the 'and of the Almighty.
We forward in this generation
Triumphantly.

Won't you help to sing
These songs of freedom? -
'Cause all I ever have:
Redemption songs;
Redemption songs.

Emancipate yourselves from mental slavery;
None but ourselves can free our minds.
Have no fear for atomic energy,
'Cause none of them can stop the time.
How long shall they kill our prophets,
While we stand aside and look? Ooh!
Some say it's just a part of it:
We've got to fulfil de book.

Won't you help to sing
These songs of freedom? -
'Cause all I ever have:
Redemption songs;
Redemption songs;
Redemption songs.
---
[Guitar break]
---
Emancipate yourselves from mental slavery;
None but ourselves can free our mind.
Wo! Have no fear for atomic energy,
'Cause none of them-a can-a stop-a the time.
How long shall they kill our prophets,
While we stand aside and look?
Yes, some say it's just a part of it:
We've got to fulfil de book.

Won't you help to sing
Dese songs of freedom? -
'Cause all I ever had:
Redemption songs -
All I ever had:
Redemption songs:
These songs of freedom,
Songs of freedom.



NOTE: Hindi naman sa fan ako ni Bob Marley o may pagka aktibista ako. Gusto ko lang talaga ang message ng kanta pati ang tuno nito. Hindi kasi reggae. :) Kakaiba sa ibang kanta ni Mr. Marlery (sumalangit nawa).

Saturday, February 21, 2009

Mga Susunod Kong Posts (Wish Ko Lang)

Kung sakaling nabasa mo na ang introduction ng InodoroThoughts, alam mo na ngayon kung anu-ano ang mga pinopost ko dito. Kaso, may mga araw na hindi ako nakakapagpost. Pero hindi ibig sabihin nun na...alam mo na. Hehehe!

Actually, I have too many post ideas, too little time. Kaya, ipost ko na muna dito ang listahan ng mga blog post na gusto kong ipublish soon. Sana lang. (cross fingers)

  • May Puso Din Ata Ang Mga Ipis - Matagal ko ng napapansin ang "burol" ng mga ipis. Siguro, may puso din sila.
  • Vegetarian Recipes - Hindi naman po imposibleng makaisip ako ng recipe habang...alam mo na. In fact, kumakain pa ako sa loob ng CR. Hahahahah! :)
  • Kung May Apat na Taon Ako Para Magbasa - Listahan ng mga librong gusto kong mabasa sakaling mayroon akong apat na taon para lang magbasa, magbasa, at magbasa.
  • Introducing: My Own Travel Blog! - Yeyeye! Excited na ako dito. May nagawa na akong blog account para dito pero wala pa akong kahit isang post. Medyo madugo din kasi ang binabalak kong first travel blog. Kapag may oras, gagawin ko na yun. I'm so excited.
  • Gamit Mo, Kinabukasan Nila - Ahm, eto yung charity work na gagawin namin ngayong summer. Hopefully matuloy 'to. Medyo nererelive ko pa ang excitement ko na gawin to. :)
  • Redemption Song ni Bob Marley - Gusto ko lang ang lyrics ng kantang 'to. Magandang magpost din ng review ng kanta. Pero baka lyrics lang ang ipost ko para madali. Copy-paste lang. :)
  • Pa'ano Ako Magiging Vegetarian? - Matagal-tagal din na makakasama ko si Erik na isang vegetarian at palalakihin daw naming vegetarian ang anak namin. Syempre, alangan meat-eater ako sa mundo ng mga vegetarian. Ayoko kayang maging villain. Ififeature ko dito ang struggles ko para maging vegetarian. :D
  • Puting Hair Highlights - Super duper tagal ko ng pangarap na magpahighlights ng puti. Kaso, wala pa akong pera nung naisip ko yun. Estudyante pa lang ako nun na kakarampot lang ang budget. At ngayon na kumikita na ako, malamang na matupad na rin ang matagal kong pangarap. Pero baka...
  • Contact Lens? - Nakakasawa na ang eyeglasses ko at nahihilo na ako sa itim na frame nito. Baka okey ang contact lens. Baka mas malinaw ang makikita ko. Ewan. Tingnan natin.
  • Kasalanan Ba Nilang Maging Bading? - Hay... Isa siguro sa pinaka hindi ko ma-accept na revelation sa akin ang tungkol sa kasagutan sa tanong na ito.
  • Ayokong Mabuntis Ulit...For Now - Inspiration lang para hindi talaga ako magbuntis at least two years pakatapos kong manganak kay Baby Krishna.
  • Unsent Mails - Maraming tao na gusto kong sulatan sa iba't ibang kadahilanan. Gusto kong isa-isahin sila at ang mga gusto kong sabihin. Baka one day, maging ready na akong gawin talaga yun. :)
  • Losing My Religion - About sa status ng spiritual life ko, kung meron man. Heheheheh! :) Basta, surprise. :D

Yan. Madami-dami din pala akong dapat isulat. Malamang masusulat ko na 'to this year. Kundi, siguradong madadagdagan na naman ang mga 'to.

Abangan mo na lang ang mga post ko. :D

Wednesday, February 18, 2009

Ang Aking Dream House

Dati, naiimagine kong mabuhay nang magisa sa isang urban apartment place. Hindi ko naman actually hinahangad na manirahan sa isang condominum. Pero, parang ganun yung style niya. Isang stadio-type apartment. One room that contains all rooms, kumbaga. Kahit nga ata isang kwarto lang basta may CR, mabubuhay na ako. Basta ba may laptop lang ako dun. Solve na ako. Dati yun.

Pero ngayon, iba na ang naiimagine kong ideal life.

Gusto ko yung tipong gaya ng buhay ni Heidi at Lolo Alp. Nasa bundok, madaming nakikitang puno, may mga hayop, kahoy lang ang tirahan, simple, hindi namomroblema sa pera. Kung pwede lang, pipiliin ko talagang mamundok na lang. Hhehehe! Hindi ko naman gustong maging NPA. Gusto ko lang manirahan sa isang peaceful na lugar kung saan konti lang ang tao, o kung pwede walang kapitbahay. Kami lang ng anak at soon to be legal husband ko.

Alam mo yun, yung two-storey building na made of kahoy lang. Maliit na mesa, kahoy na sala o kaya isang couch lang, malambot na kama, at malinis na kitchen. Ganun lang. Gusto ko rin yung may malawak na lupa para pagtaniman ng mga gulay. Besides, vegetarian naman yung dalawa. At, syempre, baka maging vegetarian na rin ako. Oks na yung gulay. At dapat, may alaga kaming baka o kambing para may source of milk. Parang nakakatuwang magpisil-pisil ng boobs ng baka para magsqueeze out ng gatas.

Ayokong may TV sa bahay. Kung meron man, limited lang dapat sa news at educational channels ang accessible. O kung pwede eh, mga taped lang ang papanuorin namin dun.Ayokong may TV sa sala. Siguro, isang radyo o speaker lang, okey na yun.

Gusto ko ring may mga kandila sa bahay. Syempre, electricity, kailangan yun. Pero, okey naman kahit wala. Siguro, gugustuhin ko pa ring dala-dala ko ang laptop sa kabundukan. Communication lang sa mga tao sa labas at simpleng pag gawa ng multimedia. Pero, ayaw ko na ata ng social networking sites na puro pacute lang. Pwede ko naman iconsider yung iba gaya ng multiply o mga blogging sites.

Parang ang saya ng ganung setup. Hindi namin kailangang mag pa employ para kumita ng pero. baka hindi nga namin kailanganin ng pera para mabuhay. Kaso, hindi naman kasi pwede.

Mag-aara si baby at kailangan namin ng pera para dun. Pag nagkasakit siya, kailangan din namin ng pera para pampaospital. Hay... Napapabuntung-hininga na lang ako.

Mangyayari pa naman siguro yung dream house at living ko pag nagretire na ako at may pamilya na ring sarili ang anak ko.

Kung hindi man ito mangyari, magtatravel na lang ako sa buong mundo. Hehehehe! Anyway, ganung buhay naman ang gusto ni Erik. Gusto nya kasing mamuhay sa bundok at maging ermitanyo pag matanda na. Ako naman, gusto kong magtravel at magcontribute sa mundo sa simpleng paraan. Dadalawin ko na lang siguro siya at paiinggitin sa mga pictures ko. Heheheheh!

Malay din natin, baka mgbago na naman ang konsepto ko ng dream house. Ang importante namna ay masaya tayo sa dream house natin at dun, dun siya nagiging dream house.

Saturday, February 7, 2009

Iba't Ibang Klase ng Lalake

Madalas kong naririnig sa madadramang teleserya na dalawa raw ang klase ng mga babae: isang pangkama at isang pang altar. Eh, pano naman ang mga lalake? Para sa 'kin, meron din silang iba't-ibang klase.

May lalakeng pang boyfriend lang, pang kuya lang, pang little bro lang, at pang kasama for life.

Ang mga lalakeng pang boyfriend lang eh yung mga tipong adventurous, bold, at masyadong wild. Usually kasi, bata pa kapang nagboboyfriend at sa ganitong oras maaappreciate ng isang babae ang lalakeng wild. Sila yung tipong gustong bumyahe kung saan-saan, nakashorts at tsinelas lang, tumatambay lang sa bahay at naggigitara, o palaging panalo sa DOTA. Pang boyfriend lang sila kasi bagay lang sa mga bata-bata pang lalake ang mga ganitong mga habits. Imaginin mo nga ang isang 50-year-old na ginagawa pa rin ang mga ito? Di ba ang sagwa?!?

Sa kasamaang palad, ang mga lalakeng pang boyfriend lang ay talagang hanggang boyfriend lang. Hindi mo sila pwedeng asawahin kasi, malamang kawawa ka lang. Mabuti kung magmamature pa ang mga ganitong klase ng lalake. Eh, kung hindi? Tsk, tsk. Patay kang babae ka!

Yung pang kuyang lalake naman eh yung tipong madaming alam sa buhay. Yung mga tipong madami ng libro ang nabasa--mula sa fiction novels hanggang sa mga how-to-d0 books. Mga kuya material sila dahil tinatrato nilang bunso ang babae. Bini-baby at ginagawang walang silbi. Halos pagsubo na lang ng pagkain, eh, ginagawa pa nila.

Kung merong kuya, meron namang mga lalaking little bro type. Sila yung mga uhugin pang mga lalake. Yung mga tipong kasing edad lang ng babae pero kung umasta eh, parang 10 years younger. Sila yung mga nagpipilit magbait-baitan na nasobrahan na ata at naging tod0-todong OA na. Halos lahat na lang tinatanong sa babae. Pati ba naman kung pano manligaw?!? Kaya, hindi sila pwedeng iboyfriend dahil gagawin lang nilang ate ang girlfriend nila.

At last but surely the best, ang pang kasama for life na lalake. Sila ang mga tipo ng lalake na mapagpasensya sa babae, magaling mag joke paminsan-minsan, nagpapapansin din minsan, nagagalit din minsan, pero madalas ay magandang kausap. Sila yung hindi naman pasanin ng mga babae, pero hindi naman yung tipong ultimate provider na. Kumbaga, sila ang mga tama lang ang timpla.

Ang mga ganitong tipo ang magandang kasama for life dahil hindi ka biBABYhin na para ka ng inutil. Hindi ka rin nila tatratuhing ate na magmumukha ka ng alipin. Tatratuhin ka nilang EQUAL in everything. In short, hindi ka naman mapapampered ng mga ganitong lalake, pero hindi ka naman mae-spoil. :)

Ikaw, anong tipo ng lalake ang type mo?

Thursday, February 5, 2009

Pang Miss Universe na Tanong

Kung may kaisa-isang tao na gusto mong makausap for a once-in-a-lifetime 30-minute conversation, sino ang kakausapin mo?

Hmmmm...

Hmmmmm....

Mga sampung minuto na siguro akong nag-iisip ng pang Miss Universe na sagot pero, wala akong maisip. Siguro dahil wala akong ina-idolize nang todo-todo. At siguro, dahil hindi ako ganun kasociable na tao na gustong palaging may makatsismisan.

Pero, on the second thought, madami naman akong naisip na gusto kong makausap. Nauna kong naisip si Mike Shinoda ng Linkin Park. Ang babaw, pero, crush ko kasi siya. Eeeeeeeeeeee!!! Pero, wala naman akong gustong itanong sa kanya. Wala na rin naman akong pag-asang maging kami kasi may psychologist wife na siya at ako ay magiging wife na din in few years. Hehehhehe! Baka dumugo pa ang ilong ko kaka English pag kinausap ko sya.

Kung si Barack Obama kaya? Hmmmm... Hindi ko naman siya idol at hindi naman ako fan ng CHANGE. Gusto ko lang siyang makausap para sikat ako. Wahahahhahaha! Sikat din kasi siya for now.

Naisip ko ring makausap si Jesus Christ. Hindi naman ako hardcore Christian. Ewan, naisip ko lang. Siguro kasi gusto ko lang siyang makatsismisan at para naman mapatunayan kong historically existing siya. Hehehehe! Ops! Hindi naman ako non-believer. Okey lang.

Kung si Mother Theresa naman kaya? Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ang naging driving force at iniwan nya ang karangyaan para tumulong sa mga tao sa India. Siguro, bilib lang ako nang todo-todo sa kanya.

Gusto ko ring makausap si Cleopatra. Naintriga lang ako sa kanya. Ibang level kasi ang sex appeal niya. Ikaw ba naman ang makapag-seduce kay Juluis Ceasar at Mark Anthony. Gusto ko lang makita kung maganda ba siya o magaling lang siyang mang-uto ng mga lalaki.

Siguro, pwede ko ring kausapin si Angelina Jolie. Kamukha ko raw kasi siya. Wahahahahaha! Uglier version nga lang ako.

Ay! Si Tom Cruise! Gusto ko kasi ang mata nya. Type ko ding makausap si Johnny Depp. Naging crush ko kasi siya sa Edward Scissorshand. Tsaka, na inlove ako sa way na nainlove siya kay Winona Ryder. Gosh!

Gusto ko ring makatsismisan si Neil Armstrong o Yuri Gagarin. Gusto ko kasi malaman kung ano ba ang itsura ng outerspace.

Baka pwede rin si Albert Einstein. Tatanungin ko kung ano ang intension nya at naimbento nya ang E=MC2.

Interesting rin si Adolf Hitler. Racist ba talaga siya o baka inggit lang siya sa mga Jews kaya pinagpapapatay niya. Tsaka, gusto ko ring itanong sa kanya kung may lahi siyang Japanese. Nagpakamatay kasi siya bago mahuli nung bumagsak na ang Nazi Regime nya.

Hay, sa dinami-dami ng mga taong gusto kong makausap, mabuti na sigurong magkaroon na lang kami ng conference. At least, may sharing kami at discussion. Bongga!

Ikaw, sino ang gusto mong kausapin for a once-in-a-lifetime 30-minute conversation?

Wednesday, February 4, 2009

Bakit "Inodoro Thoughts?"

May iilang tao na lumalabas lang ang creativity nila kapag may ginagawang "something weird." May iba na makakapagsulat lang kung nakikinig ng music. May iba naman na natitrigger ang imagination kapag naririnig ang hampas ng dagat sa dalampasigan. Ako naman, nagiging mas creative at nakakapagisip ako habang nakaupo sa inodoro at tumatae.

Ewan ko kung bakit. Pero, halos palagi akong nakakaisip ng magagandang idea kapag nakaupo sa inodoro at tumatae. Nakakaisip ako ng bagong recipe, ng bagong opening paragraph, ng bagong design sa scrapbook, ng bagong gimik sa kwarto, o ng bagong pwedeng gawin sa boring kong buhay.

Siguro, nangyayari yun dahil matagal bago ko mailabas ang masamang "saloobin" ko kaya nagkakaroon ako ng oras na mag-isip, magkuru-kuro, o paganahin lang ang utak ko nang malalim na malalim.

Nariyan ang minsan kong naisipang tawaging "ambisyosa" ang isang butiking sinusubukang kainin ang ipis na halos kasing-laki nya lang. Nariyan din ang minsan kong naisipang magtanim ng puno kapag nagbibertdey ako. At nariyan din ang minsang naisipan kong masarap sigurong gawing toppings sa lugaw ang cracklings.

Lahat ng 'yan, pumasok lang sa utak ko habang nakaupo ako sa inodoro at tumatae.

'Yun yun. Kaya "Indoro Thoughts."