Sunday, June 21, 2009

Bakit Rapists ang Pinakanakakainis na Kriminal?

Normal na sigurong makaramdam ng sobrang pagkainis at pandidiri sa mga rapists kapag nakikita ko silang binabalita sa telebisyon. Nanggagalaiti talaga ako sa mga itsura ng mga rapists!!! Mga manyak!!!

Iniisip ko nga, matagal na, kung bakit naiinis akong todo-todo sa mga walanghiyang manyakis na mga rapists. Eh, hindi naman ako naiinis masyado sa mga killers, magnanakaw, drug pushers, etc.

Hindi rin ako nag-iisa dahil pati mga kriminal, naiinis din sa mga rapists. Sabi ni Dabz, may nakapagkwento daw sa kanya na nirirape din daw ng mga preso ang inmates nila kapag nalaman na rape ang kaso nila. Gosh! Terible! Pero tama naman yun sa kanila, noh! Dapat din silang rape-in. Bato sa bato, ngipin sa ngipin. Barbaric man, at least, talagang mararamdaman nila kung pano ma-rape! Hmp! Mga walanghiyang manyakis na rapists talaga!!! Grrrrrrr!!!

Siguro, hindi lang naman ako at mga presa ang naiinis sa mga rapists. Kahit mga simpleng manyak nga, nakakainis na.

Isa siguro sa mga dahilan ng pagkainis ko ang pagiging babae ko. Syempre, madalas na biktima ng rape ang mga kababaehan.

Pero bukod dyan, nakakainis ang mga rapists dahil wala silang magandang rason para mang-rape. KAMANYAKAN lang talaga ang dahilan ng pangrirape nila!!!

Ang magnanakaw, pwedeng nagnanakaw para sa pamilya o para may makain man lang. Ang mamamatay tao, pwedeng nakapatay dahil sa bugso ng galit. Pero ang manyakis, gumagawa sya ng kamanyakan para lang masagot ang kamunduhan nya!!!

Kaya, hindi ko lubos maisip kung may pagbabago pa kayang mararating ang mga rapists.

At wag na wag nilang iisipin na gusto rin ng narape ang ginawa nilang kamanyakan. Dahil ang rape ay hindi lang physically torturing. Mentally devastating din ang marape especially kung virgin to the highest level pa ang babae.

Abah! Kahit nga mga malalanding babae ay mawawalan pa rin ng puri kung sakaling marirape.

Ang dapat talaga sa mga walanghiyang manyakis na rapists na mga yun ay putulan!!! Hmp!

Sunday, June 14, 2009

Pinipilit na Maging Masaya

Naninibago talaga ako sa aura ni Papay (Lolo) ko nitong pagpunta namin sa spring resort. Masyado siyang alive. Masyado syang excited sa mga bagay-bagay. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging ganun. Naninibago lang talaga ako.

Kakamatay lang kasi ni Mamay noong June 3. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nun. At since then, palagi ko nang nakikitang matamlay, malungkot, at nag-iisip si Papay. Ngayong araw ko lang talaga siya nakita na ganun kasaya. Bakit kaya? Though ayokong paniwalaan ang back thoughts ko, sinasabi ng instinct ko na pinipilit nya lang maging masaya.

Hindi ko kasi nararamdaman na genuinely happy siya. Siguro, he's trying to make everything normal. He's trying to bring back everything to normal. Pero, kahit ano naman ang gawin nya ay ganito na talaga ang sitwasyon forever. Hindi na babalik si May at sad to say, palagi na lang siyang solo sa bahay nila.

Sa ngayon, hindi naman namin siya hahayaang mag-isa dahil nga kakamatay lang ni May. Pero darating din yung point na talagang siya na lang.

Nakakalungkot nga kapag nilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon ni Papay. Biglang isang araw, nawala na yung taong palagi mong kasama for more than 50 years. Nakakapraning siguro yun. Pero...that's reality. A very sad reality.

Sana nga dumating yung point na makita ko naman si Papay na genuinely happy. Yung mararamdaman pati ng buto ko na talagang masaya siya. Hindi yung parang pinipilit nya lang na tumawa. Iba naman kasi yun.

Mangyayari lang siguro yun kapag nakapag move on na siya sa mga nangyari. Hindi madali yun at malamang na matagal bago mangyari yun. Pero sana, bago siya sumunod kay May ay makita nya ang kaligayahan dito kahit na wala na si May.