Sunday, June 14, 2009

Pinipilit na Maging Masaya

Naninibago talaga ako sa aura ni Papay (Lolo) ko nitong pagpunta namin sa spring resort. Masyado siyang alive. Masyado syang excited sa mga bagay-bagay. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging ganun. Naninibago lang talaga ako.

Kakamatay lang kasi ni Mamay noong June 3. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nun. At since then, palagi ko nang nakikitang matamlay, malungkot, at nag-iisip si Papay. Ngayong araw ko lang talaga siya nakita na ganun kasaya. Bakit kaya? Though ayokong paniwalaan ang back thoughts ko, sinasabi ng instinct ko na pinipilit nya lang maging masaya.

Hindi ko kasi nararamdaman na genuinely happy siya. Siguro, he's trying to make everything normal. He's trying to bring back everything to normal. Pero, kahit ano naman ang gawin nya ay ganito na talaga ang sitwasyon forever. Hindi na babalik si May at sad to say, palagi na lang siyang solo sa bahay nila.

Sa ngayon, hindi naman namin siya hahayaang mag-isa dahil nga kakamatay lang ni May. Pero darating din yung point na talagang siya na lang.

Nakakalungkot nga kapag nilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon ni Papay. Biglang isang araw, nawala na yung taong palagi mong kasama for more than 50 years. Nakakapraning siguro yun. Pero...that's reality. A very sad reality.

Sana nga dumating yung point na makita ko naman si Papay na genuinely happy. Yung mararamdaman pati ng buto ko na talagang masaya siya. Hindi yung parang pinipilit nya lang na tumawa. Iba naman kasi yun.

Mangyayari lang siguro yun kapag nakapag move on na siya sa mga nangyari. Hindi madali yun at malamang na matagal bago mangyari yun. Pero sana, bago siya sumunod kay May ay makita nya ang kaligayahan dito kahit na wala na si May.


No comments:

Post a Comment