Wednesday, May 13, 2009

Recipe No. 2: Sayote con Tofu


Sayote con Tofu

Ingredients:

Crushed tokwa
Sayote (sliced diagonally, about 0.5cm thick)
bawang
sibuyas
kamatis
paminta
asin
konting mantikang panggisa
konting tubig

NOTE: Amount of each ingredient will depend on your own taste. =) As for this recipe, I used 1 big sayote and 1 block of tokwa. Pinong hiwa lang sa onions and garlic. Gusto ko kasi yung lasa ng dalawang spices na ito pero ayokong nangunguya ko pa sila. Yung kamatis, hinati ko lang sa apat.

Wag kalimutang hugasan muna ang tokwa, sayote, at kamatis bago hiwain o durugin.

Pag ready na ang lahat ng ingrediens, sundin lang ang prosesong ito:

1. Painitin ang kawali.

2. Lagyan ng mantika. Tama lang para magisa ang bawang at sibuyas.

3. Ilagay na ang bawang habang medyo mainit pa lang ang mantika. Mas nakukuha kasi ang juice ng bawang pagka ganun. Wag lang sunugin ang bawang o sibuyas dahil magiging mapait ang ginisa.

4. Ilagay ang kamatis. Medyo magtutubig ngayon ang niluluto nyo dahil sa kamatis. Hayaan nyo lang na madurog ang kamatis dahil yun talaga ang dapat na gawin. Kukunin kasi natin ang tomato sauce dito para mabalanse ang medyo malansang lasa ng tokwa.

5. Ihalo ang durog na tokwa kapag malambot na ang kamatis.

6. Lagyan ng konting tubig, mga kalahating tasa, para sa sayote. Kailangan pa kasing palambutin ang sayote. Hindi naman kakayanin ng mantika lang na gawin yun kaya lalagyan natin ng tubig.

7. Hintaying kumulo ang tubig bago ilagay ang sayote.

8. Haluan ng paminta at asin nang naaayon sa iyong panlasa.

NOTE: Iwasang ma-overcook ang sayote sa pamamagitan ng pagpapahina ng apoy.

Serve while hot. =)