Tama! This calls for a celebration! If you're wondering, heto ang isa ko pang blogsite Future Travel Destinations. a Wordpress to at hindi ko alam kung bakit dun ko 'to nilagay. Anyway, okay naman, at least, mas maganda ang crawling ng Google sa Wordpress. :D
Matagal ko nang sinulat yung post about sa Parola Beach. Akala ko nga, wala man lang nakapansin. Heheheheh! Ang purpose kasi nun ay para sa mga turistang gustong bumisita sa Parola. Sad to say, wala naman silang mahihita sa official website ng Magallanes. Poorly updated at designed yung site na yun na baka nga hindi na nila maisipan ulit na i-search man lang sa Google ang Magallanes.
Wala. Natutuwa lang talaga ako na may nagcomment. Hehehehehe! Try mong basahin baka ma-enganyo kang pumunta sa Magallanes. I don't want it to be boracay-like na haven ng mga turista kasi, for sure, masisira ang natural na ganda nya. For me, the real beauty of the place comes from it's being unknown. Iba ang feeling na makakadiscover kang places na hindi napupuntahan ng karamihan. Dibadibz?
Hay. Sana lang, magkaroon ako ulit ng oras na gumawa ng ganun. At mangyayari lang yun, mga two years from now dahil... may-aaral na si Krishna. Wish ko lang hindi ako mabuntis ulit agad. Heheheheh! *cross-fingers!* Kung hindi, baka abutin na ng isang dekada bago ko madagdagan ang post dun. Wag naman sana. Trust, help! =)
Buhay may Pamilya 2011
13 years ago
No comments:
Post a Comment