All my life, talagang iniisip kong humble ako. Pero, hindi pala ako humble.
Ngayon ko lang naintindihan ang word na humility.
Gaya noong iniisip kong physically sexy ako. Yung tipong 36-24-36 ang figure. Pero, hindi pala. Sabi nga ni Mama, ako daw ang pinakamataba sa amin. Yung mga kapatid kong babae, nasa 26 lang ang bewang samantalang ako ay 28-29 noon kaparehong edad ko lang sila.
Feeling ko din, goddess of beauty ako gaya ni Aphrodite. Yun pala, common lang naman ang mukha ko.
May mga nagsasabi kasing maganda raw ako. Pero hindi ko naisip na mas marami pala ang nag-iisip na hindi naman.
Akala ko din dati, walang taong may sama ng loob sakin dahil akala ko talaga, wala akong ginawang makakasakit sa feelings ng iba. Gaya ni Miss Mae.
Hindi nya raw ako makakalimutan dahil ako ang naglista sa kanya sa Noisy Pupils noong tinatry nyang tumahimik. May grudges pala siya sa akin. Noon college ko lang nalaman yun.
Yun isa ko pang ka batch sa highschool, meron din syang sama ng loob sa akin. Pinapahirapan ko daw ang platoon nila kapag ako ang naghahandle. Ang angas ko raw!
Akala ko pa naman, naging mabuti at righteous platoon leader ako. Hindi pala.
May hint na ako noon pa man na hindi ako humble. Pero, hindi ko yun naintindihan.
Minsan kasi, nag-summer job ako sa DSWD. May ginawa ata akong "arrogant" sa tingin ng iba. Eh, hindi ko naman nakikita ang kasalanan ko kaya hindi ako nagsorry at hindi ko rin tinatanggap na arrogant ako.
Lately ko lang talaga naiisip na arrogant ako.
May endless stories ako para patunayang hindi ako humble at for a long time, naniwala akong humble ako. Hindi na naman nagmamatter yun ngayon. Ang importante ay alam ko na ang flaws ko at willing akong magbago.
Sana lang...
Sana talaga maging humble na ako.
Yung totoong humble talaga, hindi akala o feeling lang.
Gusto ko talagang marating yung level na ganun. Yung paghalik sa lupa.
Buhay may Pamilya 2011
13 years ago
No comments:
Post a Comment