Nagtataka ako kung bakit naiinis ako sa isa kong kaibigan kapag nagmamarunog at sinasabihan ako kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. Aaminin ko, intimidating ang character nya kasi para siyang saint na hindi nakakagawa ng pagkakamali. Pero, gaya ko, nagkakamali din naman siya.
Kahit ganun, naging matalik pa rin kaming magkaibigan at dinadaan na lang namin sa joke ang pangangaral nya sa akin. Kung sabagay, kumpara naman sa kanya eh mas hindi kawili-wili ang pagkatao ko. Hindi naman ako nagalit sa kanya ni minsan. Nainis lang ako.
Yung ugali nyang yun din siguro ang naging dahilan sa unexplainable na bigla nilang pagsiseparate ways ng close friend nya, who happens to be a close friend of mine too.
Kahit na ganun sya, alam kong hindi naman nya sinasadyang maka-offend. Kung iisipin nga, wala namang masama sa naging attitude nya. Nafifeel ko lang talaga na morally superior siya kesa sa akin.
Pero, bakit kaya ganun? Parang hindi ako kumportable sa ganung setup? Hindi ako kumportableng pinapakita sa akin na mali ako at masama ako.
Kapag iniisip ko naman logically ay wala namang masama sa ginagawa nung kaibigan kong yun o sa kung sino pang nagpapalaganap ng “tamang gawin.” Hindi naman nya o nila ako kinu-curse. Pinapafeel lang nila na masama ako. Heheheheh! Eh, totoo naman na may paka mean akong tao. Though, hindi palagi. ;)
Noong tanungin ko si Dabz tungkol dito, sabi nya, “Nagiguilty kasi ang tao.”
Shucks!
Siguro nga.
Nagiguilty ako na ginagawa ko pa rin ang mga maling ginagawa ko kahit alam kung mali na talaga. Insecure siguro ako na hindi ko magawang maging mabuting tao gaya ng gusto kong mangyari o gaya ng ibang kilala ko.
At least, nag-istruggle naman akong maging mabuting tao, noh! For now, yun naman ang importante.
Sana magawa ko rin yun.
No comments:
Post a Comment