Friday, April 3, 2009

Adrenaline Rush


"Hoy, Arcee! Lintikusan ka! Gagadanun mo ako sa nerbyos!"

Natutuwa at natatawa ako kapag naririnig ko ang ganitong linya o similar lines sa mga sinasakay ko kay Excelsis, ang dakila kong motor noong college. Parang nakaka-feel ako ng sense of fulfillment kapag may natatakot sa pagmomotor ko. Ewan, pinanganak na siguro akong isang effective na mang-aasar.

Pero honestly, talagang gusto ko yung feeling na natatakot sa bilis ng takbo ng motor. Nakakaexcite. Parang tumataas ang dugo ko at level of excitement na bigla ka na lang natutuwa sa sobrang excitement ng mga pangyayari.

Usual ko 'tong ginagawa kapag uuwi ako sa bahay nang gabi na. Konti na lang kasi ang sasakyan sa kalsada. Para mo nang pagaari ang buong kalsada. Pwede kang pumasok sa no entry points, pwede kang magdrive sa left lane, pwede kang magpagewang-gewang ng takbo. At higit sa lahat, pwede kang makipagkarera sa iba pang motor o mas exciting, bus o truck.

Ang kalsada papuntang third district ng Albay ang pinakasafe para sa mga gustong magpa-andar ng motor nang higit sa 80kph. Mabagal ba? Para ka na kasing liliparin sa motor kung mga 120kph na ang takbo mo. Pero, I assure you, ang sarap ng feeling.

Siguro, yung kalsada papuntang Sorsogon mula Daraga ang pinakachallenging. Though, hindi ko pa yun na try. Sayang nga, eh. Madami kasing zigzag roads dun. Delikado kaya mas challenging at mas exciting. Ang maganda lang naman sa papuntang third district eh madami kang makakasalubong na malalaking sasakyan. Nakakatuwa talaga!!!

Buti na lang, hindi ko naman naisip na maging kaskasera kung may nakikisakay kay Excelsis. Careful naman ako, pero, mahilig pa rin akong mag-overtake noon kahit sa mga alanganing lusutan. Good thing, hindi naman ako nadisgrasya habang may nakasakay sa likod. Unluckily, nadisgrasya naman ako sa motor. Ganun daw talaga pag motor, malapit sa disgrasya.

Sabi ko nga sa kapatid ko, wag muna siyang mag-aral magmotor kung hindi pa siya ready mamatay. Kung sabagay, mamatay naman tayong lahat. Mapapahaba lang natin ang buhay sa pag-iingat at pag-aalaga sa sarili.

Hay... nakakamiss na din yung old days na yun. Hindi ko man naranasan ang ultimate adrenaline rush with Excelsis, at least, naexperience kong makaramdam ng sens of fulfillment kasama siya.

Tinigil ko nang paunti-unti ang pagmomotor nang napansin kong mas napapalayo na ako sa mga tao. Wala lang. May happiness din kasi kapag sumasakay ako sa dyip. Tinitingnan ko ang mga mukha ng mga nakasakay. Nakakawiling past time yun.

Dati kasi, noong wala pa si Excelsis, trip ko ding magjoyride lang sa mga jeep. Pampalipas oras lang. Masaya. Mas gusto ko pa rin yun kesa nagmomotor ako.

Ganunpaman, masaya ako na sa teenage years ko eh naranasan kong maging wild sa kalye. Habang tumatanda kasi ang tao, mas natatakot tayong ma-deadz, kaya mas naglalaylo tayo.

Siguro, sa sunod na madadrive ko ulit si Excelsis, hindi na adrenaline rush ang habol ko. Simpleng motorcycle trip na lang with my two boys. :)

1 comment: