Saturday, April 18, 2009

Recipe No. 1: Potato Nuggets

Tama. Naisip ko nga itong recipe na 'to habang...alam mo na. :D At last, after ng ilang buwan ay nagawa ko na rin ang iniisip kong recipe. Heto na! Tantadadan! POTATO NUGGETS!

P.S. Pasensya na sa picture. Nanginginig pa kasi ang kamay ko habang kinuha yan kaya blurr. Tsaka, tinitipid namin yung battery kaya walang flash. :) At hindi ko na rin nalagyan ng ek-ek para magmukha namang lutong restaurant. Pero promise, masarap yan. Try mo. =)


Ingredients:

1/4 mashed potato
Chunky cubed cheese
bawang
sibuyas
paminta
asin
cooking oil
harina (tama lang na pampatigas-tigas ng mushed potato)
Chicken breading (pwede na rin harina kung nagtitipid ka)
(bahala na kayong magdagdag ng kung anong spices pa ang type nyong ilagay.)

Instructions:

1. Ihalo nang mabuti ang mga sangkap. Magtira nang konting harina kung wala kang chicken breading.

2. Hubugin ang mixture sa shape at size na gusto mo.

3. I-coat ng harina o chicken breading.

4. I-deep fry ang nuggets.

Tips:

Dapat mainit na mainit na ang mantika bago ilagay ang nuggets.

Hayaan nyo lang na malakas ang apoy habang piniprito nyo ang nuggets. Magiging masyadong mamantika kung mahina ang apoy. Tsaka hindi na naman kailangan pang lutuin ito kasi luto na siya. Kailangan lang na maging golden brown ang nuggets.

Maging alisto sa pagpiprito. Konting lingat nyo lang, baka masunog na ang nuggets.

Wag lagyan ng tubig ang nuggets. Eto kasi ang kapalpakang nagawa ko kaya medyo palpak yung nuggets. May tubig na kasing natural ang mashed potato. Pag nilagyan nyo ng tubig, mahihirapan kayong mag-shape nyan, though, magiging masarap pa rin naman.

Try nyo munang magprito ng isa at tikman nyo bago nyo iprito lahat.

Hinay-hinay lang sa asin. Mas madaling i-adjust ang matabang kesa sa maalat.

Maglagay ng tissue sa paglalagyan ng napritong nuggets para ma-absorb yung sobrang mantika.

Masarap na katambal nito ay gravy. May nabibili namang ready to cook na nun. O kaya hingi ka sa Jollibee. =)


So yun. Sana matry mo naman. Madali lang ito, kaso, medyo natagalan ako nito dahil trial-and-error yung ginawa ko. At least, hindi ko na yun magagawa sa susunod. =)

Nga pala, ito ang isa sa nagustuhang vegetarian food ng mga kapatid kong mahihiling sa pagkain ng processed meat. Mabilig ngang naubus ito. They are even asking for more!!!


2 comments:

  1. Looks Delicious, huh? Promise! Mukhang masarap talaga yan. Im proud you. Ang dami mo nang achievements in life at pati "cooking" ha? Hmmm, not bad.. Ibenta mo ba yan? hahahaha...

    ReplyDelete
  2. I accidentally discovered this post. Haha I want to know kasi kung pwedeng alternative ang harina sa chicken breading. But then I learned even more. And I want to try your recipe one of these days. Thanks and more power to your blog :)

    ReplyDelete