Monday, April 6, 2009

Dapat Ba Akong Maging Vegetarian?


Minsan, nagsearch ako sa Google ng “vegetarian downsides.” Hehehehe! Gusto ko lang malaman kung ano ang downsides kung magpapakavegetarian ako bukod sa limited “daw” ang protein source ko.

Sabi ng isang source, nakakafeel daw ng moral superiority ang mga vegetarian dahil mas mabuti ang trato nila sa mga hayop. Kaya, tinanong ko si Dabz kung ganun nga ba ang nafifeel nya.

Sabi nya, hindi naman daw. Nahihiya din siguro siyang ipangalandakan na vegetarian siya dahil pag minsan ay iba ang iniisip ng tao sa kanya.

Minsan nga raw, inaakala ng pinsan nya na iniisip nyang masama sila dahil kumakain sila ng karne. Ganun din siguro ang feeling nga mga magulang at iba kong kapamilya kapag nalalaman nilang vegetarian si Dabz.

Noong nalaman ko naman vegetarian siya, hindi ko naman naisip na baka akala nya sa akin ay less morally righteous na tao. Ang totoo, mas naexcite akong matikman kung ano ang mga kinakain nya. Hahahahah!

Sabi pa ni Dabz, sa sampu raw na nasasabihan nyang vegetarian siya, isa lang ang nagtatanong kung bakit siya vegetarian. May pagka judgemental na ang reaksyon ng iba gaya ng, “Ano na lang ang kinakain mo?” “Hindi ba mahirap yun?” “Ano naman ang lasa ng kinakain mo?”

Hindi naman natin sila masisisi, eh. Karamihan kasing masarap na pagkain sa mundo ay hindi gawa sa gulay. At sa point of view ng iba, para kang forever na nasa Ramadan o fasting kung vegetarian ka.

Kung magbabasa ka lang, napakarami, almost endless, na ang mga bad reactions tungkol sa vegetarianism. Ang usual naman na nagrereak ng ganun ay yung mga taong wala talagang alam.

Sa ngayon, respeto na lang sa kanya-kanyang choices of living ang pinakamabisang gawin. Sabi nga nung kaibigan ko, ang kasalanan daw ay yung masama sa mata mo. In short, subjective ang kasalanan. What’s wrong for me might not be wrong for you.

Pero for now, hindi ko pa nakikitang mali ang kumain ng karne. Wahahahahah! Kung magiging vegetarian man ako, gagawin ko yun for my health’s sake. Alam ko na kasing hindi designed ang ngipin, kamay, at tyan ng tao para kumain ng hayop.

Masaya na din naman ako na hindi na ako nagkicrave sa karne. Okay na sa akin kahit anong pagkain basta pleasing sa panlasa.

Nagiguilty na nga ako kapag kumakain ako ng karneng baboy, baka, at manok. I’m sooooo BAD!

Di bale, malalaman ko rin ang katotohanan at magiging kusang loob na lang sa ‘kin na gawin ang tama.

Sabi ulit ni Dabz, darating na lang daw yung truth sa akin kapang sincere kong hinahanap ang katotohanan. At baka isang araw ay ibulong sa akin ng langit na dapat akong maging vegetarian.

No comments:

Post a Comment