Tuluy-tuloy na ang pagtaba ko simula noong nagtrabaho ako bilang isang Web content writer. Pano ko ba naman magagamit ang naipon kong calories? Nakaupo lang ako mag-hapon. Tatayo lang kung magtitimpla ng kape, magsi-CR, o magbi-break. Bukod sa mga daliri, kamay lang ang na-eexercise ko. Kaya hayun, nag-umpisa na akong maging chubby.
At yun na nga, nagbuntis ako. Lampas 20 kilos ang tinaas ng timbang ko. Thankfully, 5 kilos heavier na lang ako sa dati kong timbang bago magbuntis.
Pero sa kasamaang palad, chubby pa rin ako at hindi pa rin sakin kasya ang mga dati kong pantalon. Pasalamat pa rin ako dahil may mga damit pa ring kasya sa akin.
Eto na lang ang mga magagamit ko sa mga dati kong damit.
Eto naman ang natira.
Mapapakinabangan naman 'to ng ibang tao specially ngayon na may plano kaming outreach/charity project. Kaya kung may mga gamit kang di mo na kailangan na sa tingin mo ay saleable naman, idonate mo na lang kaya sa amin? Maluluwagan na ang cabinet mo, makakatulong ka pa.
Naalala ko bigla, isa nga pala ang charity project sa dapat kong i-post. Di bale, hindi pa naman huli ang lahat. :D
At least, may maganda naman naidulot ang pagtaba ko. Sabi nga ni Erik, kailangan ko na daw i-accept na mataba na ako. Heheheheh!
Sa wakas, ngayon lang ata ako naka fully let go ng dati kong figure. Ganyan talaga ang buhay. Buti na lang, hindi ko na habit magpacute.
Isa na lang talaga nag gusto kong mangyari, lumiit pa ang tyan ko. So far, lumiliit na siya. Pero, mukahang butete pa rin ako.
Sana umipektib naman itong binili kong girdle sa Avon. *cross fingers*
Buhay may Pamilya 2011
13 years ago
No comments:
Post a Comment