Saturday, March 28, 2009

Palagi na Lang Pacute

Hanep! Naexperience ko na yung feeling na "parang binuhusan ng malamig at mainit na tubig." Nakakahiya talaga. Feeling ko namula o namutla ata ako sa hiya noon makita ko ang mga profile pictures ko sa multiply account ko. Shucks! Ganun pala ako ka-pacute.

Lampas isang taon ko na atang hindi nabibisita yung multiply account kong yun. Kung maopen ko man, tamang daan lang para mag-accept ng invitation. Pero, hindi na active. 2007 pa ang mga huling posts ko dun.

Nakakahiya din yung mga blogs ko. Pati ibang pictures. Bigla kong naisip na dapat ng mawala ang multiply account ko!!! Besides, may friendster naman ako. Ano kaya?

Hindi ko na rin naman na-aupdate, eh.

Di bale, pagiisipan ko muna at baka may mas mabuting ideya na pumasok sa isip ko.

Siguro, kaya ganun ang naramdaman ko dahil sobra-sobra yung changes na nangyari sa buhay ko mula nang mahilig akong magpost sa multiply. Ngayon kasi, iba na ang priorities ko. Hay... Ganyan talaga ang buhay.

Minsan nga rin, feeling ko na parang binuboost ko ang tingin ng tao sa 'kin through my social networking accounts. Nakakahiya talaga.

Di bale, ayusin ko na talaga yun. At sana, magkaroon na ako ng time na gawin yun.

No comments:

Post a Comment