May iilang tao na lumalabas lang ang creativity nila kapag may ginagawang "something weird." May iba na makakapagsulat lang kung nakikinig ng music. May iba naman na natitrigger ang imagination kapag naririnig ang hampas ng dagat sa dalampasigan. Ako naman, nagiging mas creative at nakakapagisip ako habang nakaupo sa inodoro at tumatae.
Ewan ko kung bakit. Pero, halos palagi akong nakakaisip ng magagandang idea kapag nakaupo sa inodoro at tumatae. Nakakaisip ako ng bagong recipe, ng bagong opening paragraph, ng bagong design sa scrapbook, ng bagong gimik sa kwarto, o ng bagong pwedeng gawin sa boring kong buhay.
Siguro, nangyayari yun dahil matagal bago ko mailabas ang masamang "saloobin" ko kaya nagkakaroon ako ng oras na mag-isip, magkuru-kuro, o paganahin lang ang utak ko nang malalim na malalim.
Nariyan ang minsan kong naisipang tawaging "ambisyosa" ang isang butiking sinusubukang kainin ang ipis na halos kasing-laki nya lang. Nariyan din ang minsan kong naisipang magtanim ng puno kapag nagbibertdey ako. At nariyan din ang minsang naisipan kong masarap sigurong gawing toppings sa lugaw ang cracklings.
Lahat ng 'yan, pumasok lang sa utak ko habang nakaupo ako sa inodoro at tumatae.
'Yun yun. Kaya "Indoro Thoughts."
Buhay may Pamilya 2011
13 years ago
No comments:
Post a Comment