Saturday, February 7, 2009

Iba't Ibang Klase ng Lalake

Madalas kong naririnig sa madadramang teleserya na dalawa raw ang klase ng mga babae: isang pangkama at isang pang altar. Eh, pano naman ang mga lalake? Para sa 'kin, meron din silang iba't-ibang klase.

May lalakeng pang boyfriend lang, pang kuya lang, pang little bro lang, at pang kasama for life.

Ang mga lalakeng pang boyfriend lang eh yung mga tipong adventurous, bold, at masyadong wild. Usually kasi, bata pa kapang nagboboyfriend at sa ganitong oras maaappreciate ng isang babae ang lalakeng wild. Sila yung tipong gustong bumyahe kung saan-saan, nakashorts at tsinelas lang, tumatambay lang sa bahay at naggigitara, o palaging panalo sa DOTA. Pang boyfriend lang sila kasi bagay lang sa mga bata-bata pang lalake ang mga ganitong mga habits. Imaginin mo nga ang isang 50-year-old na ginagawa pa rin ang mga ito? Di ba ang sagwa?!?

Sa kasamaang palad, ang mga lalakeng pang boyfriend lang ay talagang hanggang boyfriend lang. Hindi mo sila pwedeng asawahin kasi, malamang kawawa ka lang. Mabuti kung magmamature pa ang mga ganitong klase ng lalake. Eh, kung hindi? Tsk, tsk. Patay kang babae ka!

Yung pang kuyang lalake naman eh yung tipong madaming alam sa buhay. Yung mga tipong madami ng libro ang nabasa--mula sa fiction novels hanggang sa mga how-to-d0 books. Mga kuya material sila dahil tinatrato nilang bunso ang babae. Bini-baby at ginagawang walang silbi. Halos pagsubo na lang ng pagkain, eh, ginagawa pa nila.

Kung merong kuya, meron namang mga lalaking little bro type. Sila yung mga uhugin pang mga lalake. Yung mga tipong kasing edad lang ng babae pero kung umasta eh, parang 10 years younger. Sila yung mga nagpipilit magbait-baitan na nasobrahan na ata at naging tod0-todong OA na. Halos lahat na lang tinatanong sa babae. Pati ba naman kung pano manligaw?!? Kaya, hindi sila pwedeng iboyfriend dahil gagawin lang nilang ate ang girlfriend nila.

At last but surely the best, ang pang kasama for life na lalake. Sila ang mga tipo ng lalake na mapagpasensya sa babae, magaling mag joke paminsan-minsan, nagpapapansin din minsan, nagagalit din minsan, pero madalas ay magandang kausap. Sila yung hindi naman pasanin ng mga babae, pero hindi naman yung tipong ultimate provider na. Kumbaga, sila ang mga tama lang ang timpla.

Ang mga ganitong tipo ang magandang kasama for life dahil hindi ka biBABYhin na para ka ng inutil. Hindi ka rin nila tatratuhing ate na magmumukha ka ng alipin. Tatratuhin ka nilang EQUAL in everything. In short, hindi ka naman mapapampered ng mga ganitong lalake, pero hindi ka naman mae-spoil. :)

Ikaw, anong tipo ng lalake ang type mo?

1 comment:

  1. correct ka jan... ang dami ko nanaging bf at parang nakita ko silang lahat sa blog mo... isa na lang hanap ko, yung partner for life...

    nice nice nice...

    ReplyDelete