Kung may kaisa-isang tao na gusto mong makausap for a once-in-a-lifetime 30-minute conversation, sino ang kakausapin mo?
Hmmmm...
Hmmmmm....
Mga sampung minuto na siguro akong nag-iisip ng pang Miss Universe na sagot pero, wala akong maisip. Siguro dahil wala akong ina-idolize nang todo-todo. At siguro, dahil hindi ako ganun kasociable na tao na gustong palaging may makatsismisan.
Pero, on the second thought, madami naman akong naisip na gusto kong makausap. Nauna kong naisip si Mike Shinoda ng Linkin Park. Ang babaw, pero, crush ko kasi siya. Eeeeeeeeeeee!!! Pero, wala naman akong gustong itanong sa kanya. Wala na rin naman akong pag-asang maging kami kasi may psychologist wife na siya at ako ay magiging wife na din in few years. Hehehhehe! Baka dumugo pa ang ilong ko kaka English pag kinausap ko sya.
Kung si Barack Obama kaya? Hmmmm... Hindi ko naman siya idol at hindi naman ako fan ng CHANGE. Gusto ko lang siyang makausap para sikat ako. Wahahahhahaha! Sikat din kasi siya for now.
Naisip ko ring makausap si Jesus Christ. Hindi naman ako hardcore Christian. Ewan, naisip ko lang. Siguro kasi gusto ko lang siyang makatsismisan at para naman mapatunayan kong historically existing siya. Hehehehe! Ops! Hindi naman ako non-believer. Okey lang.
Kung si Mother Theresa naman kaya? Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ang naging driving force at iniwan nya ang karangyaan para tumulong sa mga tao sa India. Siguro, bilib lang ako nang todo-todo sa kanya.
Gusto ko ring makausap si Cleopatra. Naintriga lang ako sa kanya. Ibang level kasi ang sex appeal niya. Ikaw ba naman ang makapag-seduce kay Juluis Ceasar at Mark Anthony. Gusto ko lang makita kung maganda ba siya o magaling lang siyang mang-uto ng mga lalaki.
Siguro, pwede ko ring kausapin si Angelina Jolie. Kamukha ko raw kasi siya. Wahahahahaha! Uglier version nga lang ako.
Ay! Si Tom Cruise! Gusto ko kasi ang mata nya. Type ko ding makausap si Johnny Depp. Naging crush ko kasi siya sa Edward Scissorshand. Tsaka, na inlove ako sa way na nainlove siya kay Winona Ryder. Gosh!
Gusto ko ring makatsismisan si Neil Armstrong o Yuri Gagarin. Gusto ko kasi malaman kung ano ba ang itsura ng outerspace.
Baka pwede rin si Albert Einstein. Tatanungin ko kung ano ang intension nya at naimbento nya ang E=MC2.
Interesting rin si Adolf Hitler. Racist ba talaga siya o baka inggit lang siya sa mga Jews kaya pinagpapapatay niya. Tsaka, gusto ko ring itanong sa kanya kung may lahi siyang Japanese. Nagpakamatay kasi siya bago mahuli nung bumagsak na ang Nazi Regime nya.
Hay, sa dinami-dami ng mga taong gusto kong makausap, mabuti na sigurong magkaroon na lang kami ng conference. At least, may sharing kami at discussion. Bongga!
Ikaw, sino ang gusto mong kausapin for a once-in-a-lifetime 30-minute conversation?
Buhay may Pamilya 2011
13 years ago
No comments:
Post a Comment