Nalilito na talaga ako sa kung ano ba talaga ang dapat kong paniwalaan. Ibig kung sabihin, eh, kung ano ba talaga ang totoo kasi yun ang gusto at dapat kong paniwalaan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang paniniwalaan ko.
Sa dinami-dami pa naman ng mga propeta at iba't-ibang pangalan ng diyos, nakakalito na. Minsan, napapatanong na lang ako, bakit kaya hindi na lang magpakita ang tunay na Diyos at magexplain sa humanity? Baka wala naman talagang Diyos. Eh, bakit tayo nandito?
Sa totoo lang, wala akong affiliation sa kahit anong religion, kahit sa Roman Catholic kung saan binaptize ako noong wala pa naman akong kamuwang-muwang. Sabi ko, hanggang hindi napapaliwanag ng Science kung pano nagexist ang tao ay ikukunsider kong milagro ito. In short, walang ibang explaination kundi, may isang Divine Creator na naglalang sa atin at pooof! andito na tayo.
Kaya, naniniwala akong may Diyos. Pero, ano ba talaga siya? May mukha ba siya? May kapangyarihan ba talaga siya? Ano ba ang mga gusto nyang gawin ko bilang isang tao? Ano ba ang rules na dapat kong sundin para masabi kong sumusunod ako sa Kanya?
Sabi ng isang kaibigan, kahit daw mga aethiest, Diyos ang may lalang sa kanila. Pero, the big question is BAKIT?!? Kung pwede ko lang makausap si Lord ng masinsinan, katulad ni Santino, eh, marami na akong natanong sa Kanya.
Kaya madalas akong nalilito kung ano ba talaga ang dapat kung sundin. Dapat ba akong magsimba, mag-pray, o mag-chant?
Sorry. Wala pa kasi akong FAITH kaya tanong ako ng tanong. Kung may FAITH na ako, susunod na lang ako nang walang tanung-tanong. Kaso, wala eh. At hindi ko alam kung saan ba ako dapat magkaroon ng FAITH.
Kung sabagay, masaya naman at contented ako sa buhay ko kahit wala kang religious affiliation. Napapangisi na lang ako kapag may nagtatanong sakin kung anong religion ko. Madalas, sinasabi ko na lang na Roman Catholic. Pero ang totoo, hindi na. Parang hindi nga ata ako naging Katoliko. In short, floating ang stado ng religion ko.
Ang importante naman sa 'kin ngayon habang wala pa talaga akong pinaniniwalaang established religion ay ang hindi maging problema sa kapwa at sa bayan. At syempre, gusto ko ring maka contribute kahit sa mga maliliit na bagay.
Siguro nga, tama ka, free thinker siguro ako. Basta, ginagalang ko ang paniniwala ng iba. Besides, wala naman akong iiimpose na pinaniniwalaan kung relihiyon lang naman ang paguusapan. Sa ngayon, pinakikinggan ko na lang muna ang paniniwala ng iba. At ako naman, naghihintay lang ng "spiritual calling."
Hindi ko alam kung darating pa yun, pero, hindi naman ako nagmamadali. Wala pa naman sa akin yung tinatawag na "spiritual hunger."
Gaya ng sinasabi ko sa mga kaibigan kong may may established religion na: Tatawagin na lang ako ng Diyos na dapat kong pagsilbihan. Hind ko alam kung sino yun. Pwedeng si Yahwe, Brahma, Krishna, Allah, Buddha, etc.
Pag tinawag na Nya ako, alam ko na wala na akong magiging pag-aalinlangan kahit hindi na siya magpakita sakin at mag-explain ng lahat.
Buhay may Pamilya 2011
13 years ago
No comments:
Post a Comment